Ni Karen David
ISANG Miss Universe Philippines candidate na naman ang nag-withdraw ng kanyang candidacy matapos magpositibo sa COVID-19.
Malungkot na inanunsyo ni MUP Cagayan De Oro Representative Vincy Vacalares na positibo siya sa COVID-19 at hindi na niya maitutuloy pa ang kanyang journey sa first ever Miss Universe sa Pilipinas.
Magugunita na pangalawa na si Vacalares sa nag-withdraw ng candidacy sa MUP kasunod ni Sorsogon delegate Isabela Galeria.
Gayunpaman, humingi ng tawad si Vacalares sa mga naabala at nangakong lalahok ulit sa susunod na taon.
Samantala, mahigpit ang ipatutupad na health protocols sa coronation day ng MUP 2020 upang masigurong ligtas ang mga kandita, crew, staff at mga panauhin na dadalo.