PINAS TEAM
DADAGDAGAN ang visibility at motorcycle patrols ng Philippine National Police (PNP).
Dahil umano ito sa tumataas na kaso ng krimen na may kinalaman sa motorcycle riding-in-tandem suspects, ayon kay PNP Chief Camilo Pancratius Cascolan.
Inaanyayahan na rin ni Cascolan at lahat ng regional police precincts na magsasagawa ng refresher course para sa mga police na nakatalaga bilang motorcycle responders para malabanan ang nasabing mga insidente.