Ni Vhal Divinagracia
TINATAYANG aabot sa anim na milyon ang nabigyan ng trabaho sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Ito ang ibinahagi ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Mark Villar sa panayam ng Sonshine Radio.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Villar na kahit pa hindi matatapos ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program bago ibakante ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang posisyon sa 2022, ay nakahanda silang ipagpatuloy ito sa ilalim ng magiging bagong administrasyon.