Ni Karen David
TAKOT pa rin ang nakararaming Pilipino na mag-grocery, pumunta sa lugar ng trabaho at dumalo sa mga religious services dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 77 porsiyento ng mga Pilipino ang kinokonsidera na mapanganib sa kanilang kalusugan at kapakanan na magtungo sa grocery store o palengke.
Nasa 69 porsiyento naman ang kinokonsidera na mapanganib ang pagdalo sa mga religious services sa ngayon.
Sa 52 porsiyento naman na may trabaho noong interbyu, 65 porsiyento ang nagsabing mapanganib na magtungo sa lugar ng kanilang trabaho.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 17 hanggang 20 kung kailan maraming mga lugar sa bansa ang nakasailalim na sa modified general enhanced community quarantine (MGCQ).