Ni Vhal Divinagracia
MAS bumubuti ang ugnayan ng China at Pilipinas ngayon.
Ito ang naging opinyon ni Sass Sasot, isang history expert na naka-base sa Maastricht University, Netherlands sa naging panayam nito sa Sonshine Radio.
Kasunod ito sa anunsyo kamakailan lang na i-lift na ang moratorium sa oil exploration sa South China Sea.
Matatandaang ang nasabing moratorium ay ipinalabas sa panahon ng Aquino Administration dahil nagkagulo-gulo ang sitwasyon sa nasabing area.
Sa pag-lift naman ngayon ng moratorium, pinangangambahan ng karamihan na baka magkakagulo ulit sa South China Sea.
Subalit ani Sasot, mukhang malayong mangyari na magkakagulo ulit dito.
Matatandaan pa nga aniya na may isang insidente dalawang taon na ang nakalipas na may mga Filipino fishermen na nabangga umano ng mga Chinese pero ang sabi ng bansa ay handa nilang parusahan ang kanilang mga residente kung totoong intensyonal na binangga ang mga Filipino fishermen.
Sa huli, ipinunto ni Sasot na walang problema sa magiging malayang oil explorations ngayon sa South China Sea sa ilalim ng Duterte administration at magiging pasimula pa nga ito sa pag-unlad ng rehiyon.