Ni Shane Elaiza E. Asidao
MARAMI na ang sumusubok sa ‘vegetarian lifestyle’ dahil isa ito sa pinakamabisang paraan upang mas lalong maging maayos at malusog ang kalusugan ng katawan.
Ngunit, ano nga ba ang mga dapat tandaan para sa mga nagbabalak na pasukin ito?
- Iwasan ang pag-inom ng multi-vitamins
Ayon sa isang artikel ng carboncherub.com, minsan hindi nakakatulong ang pag-inom ng multi-vitamins dahil kadalasan, mauuwi lamang ito sa labas ng iyong katawan. Marami na ang bitamina na iyong makukuha sa pagkain ng gulay at prutas kaya hindi na nirerekomenda pa ang pag-inom ng multivitamins.
- Sumubok ng iba’t ibang bersyon ng gulay
Ayon sa choosemyplate.gov, may mga vegetarian products na lasang non-vegetarian ngunit, mababa naman ito sa saturated fat at walang kolesterol. Subukan ang ‘soy-based sausage patties’ sa agahan at ‘bean burger’ naman sa hapunan. Mayroon ding mga sikat na pagkain na pang-vegetarian gaya ng pasta na may marinara o pesto sauce, veggie pizza, vegetable lasagna, tofu-vegetable stir-fry at bean burritos.
- Mag research tungkol sa mabisang ‘vegetarian pattern’
Maraming artikel at blog ang naglalaman ng ‘vegetarian lifestyle topics’. Maaaring makakuha ng rekomendasyon, tips o vegetarian pattern na puwede sa iyo.
Ngunit, higit sa lahat, huwag kakalimutan na kumonsulta sa doktor patungkol sa iyong kalusugan at sa papasukin na bagong lifestyle.