PINAS TEAM
HINDI magiging maganda kung ihinto o ipagpaliban ng Kongreso ang pagdinig tungkol sa land title ng Kapamilya Network.
Ito ang ibinahagi ni Deputy Speaker at 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta sa panayam ng SMNI News.
Ipinunto pa ni Marcoleta na sa kanyang masugid na pagsusuri patungkol sa isyu ay marami talagang paglabag ang ginawa ng ABS-CBN.
Tinatayang aabot sa 1.6 trillion pesos ang magiging penalty ng Kapamilya Network kung sisingilin ang nasabing paglabag.
Aniya, ang isyu ay kinapalooban ng limang klaseng paglabag ng batas.
Aasahan naman ani Marcoleta na ihahain niya ang kanyang resolusyon at kaukulang ebidensya sa land title issue at iba pa ngayong linggo.