Ni Arjay Adan
NAKAKUHA ang Philippine Sports Commission (PSC) ng higit na kailangang tulong nito matapos itong makatanggal na dagdag na remmittance mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).
Umaasa naman ang PSC na magagamit nito ang pondo para sa inaasahang pagbabalik ensayo ng mga Tokyo bound athletes nito at iba pang Olympic hopefuls.
Mula sa 9 na milyong piso lamang noong Hulyo, nakatanggap ang sports-funding agency ng pamahalaan ng 25 milyong piso na makakatulong pondohan ang bubble.
Pinasalamatan naman ni PSC commissioner ang PAGCOR at siniguro nito na gagamitin nila ang pondo nang tama.
Ang buwanang remmittance ng PSC sa PAGCOR na nasa 5 porsiyento ay higit na nabawasan simula noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.
Nakatakda ring humingi ng dagdag na tulong ang ahensya sa Philippine Charity Sweepstakes Office para sa dagdag na tulong para paghandaan ang muling pagbabalik ensayo ng mga atletang lalahok sa Tokyo Olympics.