Ni Pat Fulo
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na kanilang ipagpapatuloy ang pagbibigay ng psychosocial services sa mga teachers, nonteaching personnel at estudyante.
Ito ay upang tutukan ang estado ng mental health ng mga guro at mag-aaral sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ito ay tugon sa panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kagawaran na tutukan ang “work-related” na sanhi ng stress ng mga guro matapos mapaulat ang pagpapakamatay ng isang guro noong Biyernes.
Nagpahayag din ang DepEd ng kanilang pagkalungkot sa pagtaas ng kaso ng suicide sa mga guro at estudyante.
Kasabay nito, hinimok ng kagawaran ang publiko na manatiling maging konektado sa mga mahal sa buhay upang maibsan ang nararanasang paghihirap ngayong pandemya.