Ni Pat Fulo
HINDI na required na isailalim sa swab test at quarantine ang mga returning overseas Pinoy mula sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19. Ito ay kung wala namang nararansang sintomas ng sakit ang umuwing Pinoy.
Bukod sa returning OFs, epektibo rin ang bagong direktiba sa mga dayuhang returning residence sa bansa.
Paliwanag ng Department of Health (DOH), bago pa man makarating ng bansa ay sumailalim naman na ang mga umuuwing Pinoy sa testing sa kanilang pinanggalingang bansa.
Gayunman nilinaw ng ahensya, na hindi na nila sakop sakaling irequire ng uuwiang lalawigan ang pagsailalim swab test.