Ni Karen David
MAS marami nang public utility jeepney (PUJ) at UV express ang maari nang pumasada sa Metro Manila.
Ito ay matapos ianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbubukas sila ng 30 karagdagang ruta ng PUJ at 22 ruta ng UV express simula sa darating na linggo, Oktubre 25. Base ito sa Memorandum Circular (MC) 2020-062 at MC 2020-063 na inisyu ng LTFRB.
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dagdagan ang bibiyaheng public transportation upang tulungang makabangon muli ang ekonomiya.