Ni Pat Fulo
NANATILI pa ring maganda ang estado ng tax collection ng gobyerno sa kabila ng paghina ng mga negosyo ngayong pandemya.
Ito ang inihayag ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez batay sa naging koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ngayong taon.
Ayon kay Dominguez mula Enero a-1 hanggang Setyembre a-30 ay pumalo pa rin sa mahigit 1.8 trillion pesos ang nakolektang buwis ng pamahalaan.
Mas mataas ito ng 8.26% kumpara sa projection ng ahensya na 1.6 trillion pesos.
Gayunman, mas mababa pa rin ito ng 12% kumpara sa koleksyon sa kaparehong panahon noong isang taon.