Ni Karen David
SA unang pagkakataon, kanselado ang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila na dinadaluhan ng milyong-milyong deboto.
Ayon sa Manila City Government at pamunuan ng Quiapo Church, hindi na tuloy ang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2021 dahil sa banta ng COVID-19.
Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na layon ng pagkansela ng Traslacion na masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa coronavirus.
Nanawagan din ang alkalde na iwasan ang mga parada at prusisyon ngayong may pandemya dahil posible itong maging dahilan ng sakit.