Ni Pat Fulo
NANINIWALA ang Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na magsisimula nang makababawi ang industriya sa turismo sa unang bahagi ng 2021 kasunod ng unti-unting pagluwag sa travel restrictions at papalapit na holiday season.
Dagdag pa dito ang muling pagbubukas ng ilang kilalang tourism sites ng bansa gaya ng Baguio, Boracay at Ilocos Norte.
Malaking tulong naman sa panunumbalik ng sigla ng negosyo ang pagpapahintulot sa staycation sa GCQ areas sa mga 4-star at 5-star hotels.
Ayon sa grupo, malaki ang papel ng domestic tourism sa kabuuang kita ng sektor ng turismo ng bansa. Kaya naman kahit hindi pa bukas ang Pilipinas sa mga banayagang turista ay inaasahang magsisimula na ang pagkabawi ng naturang industriya.