Ni Justine Nazario
NABIKTIMA ng snatcher si Vina Morales sa EDSA.
Ayon kay Vina, nasa gas station siya at nakalimutan niyang isarado ang bintana at saktong gamit niya ang kanyang telepono pero nagulat na lamang siya nang agawin ito sa kanya.
Hinabol pa umano nito ang snatcher dahil sa pagkabigla pero hindi niya na ito naaabutan.
Inanyayahan din siya ng mga pulis na magpa-blotter pero tumanggi si Vina dahil sa banta ng COVID-19 virus.
Aniya, telepono lang naman daw yun at ipapasa-Diyos niya na lamang ang nangyaring insidente ngunit nalungkot naman ito dahil hindi niya maintindihan kung bakit may mga ganoong tao.