Ni James Luis
ISA pang top official sa White House ang nagpositibo sa COVID-19 sa katauhan ni Stephen Miller, isa sa mga top aide ni US President Donald Trump.
Ayon kay Miller, sa nakalipas na limang araw ay naka-self isolate na ito habang nagtatrabaho.
Magugunita na nitong mga nakalipas na buwan ay unang nagpositibo sa COVID ang asawa nitong si Katie Miller na communications director ni Vice President Mike Pence.
Samantala, inanunsyo naman ni Democrat Presidential Candidate Joe Biden na hindi ito papayag na ituloy ang nalalapit nilang debate ni Trump sa Oktubre 15 at 22 kung positibo pa rin sa virus si Trump.
Matatandaan na nakaraang linggo ay nagpositibo sa COVID-19 virus si US President Trump.