Ni Karen David
NAGPADALA ng 17-man team ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Barangay Abo, Tigaon, Camarines Sur na lubhang napinsala ng Super Typhoon ‘Rolly’.
Ayon sa MMDA, humiling ng tulong si Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella mula sa ahensya.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang MMDA team na pinangungunahan ni Task Force Commander Allan Longcop at mga tauhan ng public safety division and flood control sewerage management office ng ahensya ay magbibigay ng rehabilitation assistance sa mga apektadong pamilya.
Pinaalalahanan naman ni Lim ang team na mag-ingat sa buong durasyon ng kanilang misyon.
Sinabi ni Retired General Alfredo Andres, Officer-In-Charge ng MMDA Metropolitan Public Safety Office (MPSO) na dala ng 17-man team ang mga water purifiers, solar panels, generator sets, chainsaws, at iba pa.