Ni Vic Tahud
AABOT sa pitompu’t siyam na komunidad sa Davao City ang malapit lamang sa pinamumugaran ng limang grupo ng mga New People’s Army.
Kung kaya’t ayon kay National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon, Jr. kailangang isali ang mga ito sa panukalang Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan.
Ayon kay Secretary Esperon, nakasaad sa panukala na maglalaan ng 20 million pesos ang gobyerno para sa mga lugar na wala na roon ang presensya ng grupong NPA ngunit kailangan pa rin ingatan dahil vulnerable pa rin.
Ang BDP ay may proposed budget na nagkakahalaga ng Php16.4 billion sa 2021 para sa walong daang barangay sa buong bansa sa ilalim pa rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.