Ni Kriztell Austria
SINIGURO ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na matutugunan ng Administrasyong Duterte ang problema sa korapsyon.
Ito ay matapos maglabas ng listahan ang Pangulo patungkol sa mga opisyal na sangkot umano sa anomalya sa gobyerno.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, binalaan ng Pangulo ang mga korap na opisyal sa DPWH na magbitiw sa kanilang katungkulan.
Kabilang sa mga sangkot ay sina Customs Deputy Collector Ramon Hernandez, Operations Officers Lomontod Makabanto at Vicent Butch Gamboa, Police Assistant Chief Jaybee Raul Cometa, Security Guard Renly Tiñana, Zamboanga District Collector Lyceo Martinez at Customs District Commander Filemeno Salazar.