Ni Arjay Adan
NANGUNGUNA na rin sa standing ang Barangay Ginebra matapos nitong talunin ang NorthPort sa iskor na 112-110 sa PBA Philippine Cup.
Sa ngayon ay parehas na nasa top spot Gin Kings at TNT Tropang Giga na parehong may 6-2 records sa liga.
Tinangka pang humabol ng NorthPort sa ika-apat na quarter ng laro ngunit huli na ang lahat matapos ang sunod-sunod na late-game layups nina Japeth Aguilar at Scottie Thompson.
Sa kabila ng panalo, hindi naman masyadong nasiyahan si Ginebra Head Coach Tim Cone at sinabing hindi ito ang pinaka magandang laro ng kanyang koponan matapos na unang malamangan ng NorthPort ang Gin Kings sa unang bahagi ng laro.
Pinangunahan ni Stanley Pringle ang Barangay Ginebra na nakagawa ng 17 points at katulong ang 6 na manlalaro pa ng Gin Kings na nakapagtala lahat ng double digits kasali na si Aljon Mariano na mayroong 15 points.