Ni Vhal Divinagracia
INFILTRATED ang commercial mainstream media ayon kay CPP-NPA-NDF whistleblower Jeffrey Celiz o Ka Eric sa panayam ng Sonshine Radio.
Kaugnay ito sa nananatiling mga positibong balita tungkol sa mga organizations na nali-link sa makakaliwang grupo kahit pa marami ng rebelasyon na ginawa sa Senate hearing kahapon ng red-tagging.
Ang kadalasan din umanong rason ay ibig ng ilang mga mainstream media na kalabanin ang administrasyong Duterte kung kaya’t hindi sila interesado sa pagbabalita ng paksang tungkol sa mga makakaliwa.