Ni Vic Tahud
NAKAKABIT ang defense and security ng bansang Pilipinas sa Amerika dahil sa Mutual Defense Treaty.
Ito ay dahil na rin sa limampung taon na naging colony ng Amerika ang bansa, dahilan kung bakit nagaabang din ang bansa kung sino ang mananalong presidente sa Amerika.
Ito ang inihayag ng isang polical analyst na si Prof. Clarita Carlos sa panayam ng Sonshine Radio.
“So as a result no’n, meron tayong Mutual Defense Treaty with the U.S., that means nakakabit ang defense and security natin sa Amerika,” ayon kay Carlos.
Bukod pa rito, ani Carlos, sa kauna-unahang pagkakataon, isang presidente ng Amerika ang sumusuporta sa bansa sa claim nito sa South China Sea, ito ay si Pres. Donald Trump.
Dagdag pa ni Carlos, mula taong 1946, ang lahat ng mga presidente ng Amerika ay hindi sumusuporta sa bansang Pilipinas sa usapin ng South China Sea.
Kaya naman, ani Carlos, napaka-importante sa bansa na muling mailuklok sa Trump bilang pangulo ng Amerika.