Ni Vhal Divinagracia
AABOT sa 11 billion pesos ang kabuoang danyos sa sektor ng agrikultura.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Department of Agriculture o DA Secretary William Dar, danyos ito mula sa apat na malalaking Bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.
Sa kabila nito, masaya namang ibinahagi ni Sec. Dar na may 32 billion pesos naman na halaga ng mga pananim ang naisalba bago pa nanalasa ang mga bagyong ito.
Samantala, suportado naman ni Sec. Dar ang rekomendasyon ng NDRRMC na isailalim sa state of calamity ang Luzon.