Ni Melrose Manuel
NADAGDAGAN ngayon ng labing isang panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Filipino abroad.
Batay sa report ng Department of Foreign Affairs, nadagdagan pa ng siyam ang bilang ng mga nasawi habang walang naitala na panibagong nakarekober sa sakit.
Sa kabuuan, ang total confirmed cases ng COVID-19 cases sa mga Filipino mula sa Asia Pacific, Middle East, Africa at Amerika ay umaabot na sa 11,677.
Habang nasa 845 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi at 7,497 naman ang mga nakarekober na.
Tiniyak naman ng pamunuan ng DFA na patuloy ang ginagawa nilang pagmo-monitor sa kalagayan ng mga overseas Filipino na apektado sa pandemya.