Ni Vic Tahud
UMAASA si Department of Health Secretary Francisco Duque III na hindi matutulad ang Pilipinas sa ibang bansa na nagkaroon ng 2nd wave ng COVID-19 infections.
Ito ang inihayag ni Duque sa regular media forum ng ahensya.
“At sana, hindi tayo matulad sa kanila at nakita naman natin na mukhang ang ating mga kababayan ay talagang sumusunod. Karamihan, ang majority nagkaroon na ng disiplina na sumunod sa ating minimum public health standards,” wika ni Duque.
Aniya, umaasa rin ito na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nanawagan naman si Duque sa mga Pilipino na patuloy na sumunod sa mga pinatutupad na protocol at huwag magpapakampante upang hindi na muling tumaas ang kaso ng COVID-19.