Ni Karen David
NANUMPA na sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang house speaker si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Batay sa larawang inilabas ng MalacaƱang, isinagawa ang oath taking sa loob ng MalacaƱang kahapon, kasabay ng ika-43 kaarawan ni Velasco.
Kasama naman ni Velasco sa panunumpa ang kanyang asawang si Rowena at mga kaalyadong mambabatas.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pag-upo ni Velasco matapos ayaw bitawan ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano ang speakership.