Ni Vhal Divinagracia
NANINIWALA si Political Analyst Prof. Clarita Carlos na walang masyadong magbabago sa foreign policy ng Estados Unidos ngayong nanalo na bilang presidente ng bansa si former Vice President Joe Biden.
Ito ang ibinahagi nya sa panayam ng Sonshine Radio bilang pagtugon sa kinatatakutan ng karamihan na maapektuhan ang relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas gaya na lang ng malakas na suporta nito sa bansa tungkol sa South China Sea.
Ani Carlos, kung sakaling maupo na sa pwesto si Biden, malakas ang paniniwala nitong mas tutukan pa ang pagresolba ng COVID-19 pandemic kaysa baguhin pa nito ang foreign policy.
Ang ikinababahala lang umano ni Prof. Carlos na baka hindi ipagpatuloy ni Biden ang pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos sa North Korea o ang pagsuporta nito sa Pilipinas o South China Sea.