Ni Justine Nazario
KINUMPIRMA ng anak ni April Boy Regino na pumanaw na ang jukebox idol alas tres ng madaling araw ng ika-29 ng Nobyembre.
Binawian ng buhay ang singer sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center dahil sa Acute Respiratory Failure.
Nakatakda namang iburol ang labi ni April Boy sa Idol Star sa Calumpang, Marikina City.
Nakilala sa mundo ng musika si April Boy noong dekada 90 at kasama sa pinasikat nitong awitin ay ang Paano ang puso ko, Umiiyak ang puso at Di ko kayang tanggapin.