Ni Pat Fulo
MAGDEDEPLOY ng karagdagang pulis ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa bahagi ng Divisoria, Recto at Juan Luna na kilalang dinadagsa ng mga mamimili tuwing holiday season.
Layon nito na masigurong nasusunod ang minimun health standards kontra COVID-19.
Kasabay nito, nanawagan si Manila Moyor Isko Moreno sa mga mamimili na mag-doble ingat upang makaiwas sa virus.
Ani Isko, bagaman isang magandang progreso ang unti-unting muling pagsigla ng ekonomiya ay hindi dapat kalimutan na patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
Anito, hindi magsasawa ang pamahalaang lungsod na paulit-ulit na magpaalala sa publiko na maging maingat upang hindi mahawaan ng sakit.