Ni Vic Tahud
APEKTADO ang nasa mahigit tatlong daan at pitumpung libong pamilya o mahigit isang milyon at apat na raan indibidwal sa buong bansa.
Ito ay base sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Samantala, inilikas naman ang aabot sa 177 COVID-19 patients, 417 medical /support staff mula sa sampung mega at local quarantine at testing facility.
Samantala, aabot sa labing isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa Calabarzon at Region 5.
Bukod pa rito, aabot naman sa 147 cities and municipalities sa rehiyon ng MIMAROPA, Calabarzon, Region 5 at 7 ang nakaranas ng power interruption at outage dahil sa bagyo.
Nasa 114 cities and municipalities naman sa Region 5 ang nakaranas ng water interruption dahil sa Bagyong Rolly.
Kaugnay pa nito, nasa 46 cities and municipalities sa rehiyon ng Calabarzon, MIMAROPA at Region 5 ang nakaranas ng network interruption dahil sa Super Typhoon Rolly.