Ni Claire Robles
INATASAN ni Interior Secretary Eduardo Año ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield na higpitan ang pagpapatupad sa mga health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holiday season.
Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa mga pamilihan lalo na sa mga malls, ngayong kapaskuhan.
Binigyang-diin din ni Año ang pagsusuot ng face shield bukod sa facemask lalo na sa loob ng mga establisimyemento.
Kinilala rin ng kalihim ang tulong ng publiko, mga blogger at iba pang social media users at maging ang mga miyembro ng media para mapalakas ang pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagreport sa mga awtoridad ang mga mall na lumalabag sa ipinatutupad na minimum health standards.
Inatasan din ni Año ang mga lokal na pamahalaan at ang pulisya na magdeploy ng karagdagang tauhan sa mga tiangge, palengke, at malls para maipatupad ang health at safety protocols.
Nagbabala rin ang kalihim na posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sakaling luluwag ang pagpapatupad ng quarantine protocols ngayong holiday season.