Ni Marileth Antiola
ANG pagkain ng gulay ay nagdudulot ng maraming benepisyo sa atin. Dahil dito, marami na ang nagdedesisyon na gawing malaking bahagi ng diet nila ang pagkain nito. Nagiging popular na rin ang mga vegetarian diets.
Ngunit hindi lahat ng gulay ay kinakain ng karamihan. Katunayan may mga ilang gulay na iniiwasan. Isa na rito ang broccoli. Para sa ilang tao, “parusa” ang pagkain nito. Ang dating pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan ang isa lang sa mga ayaw na ayaw ng gulay na ito. Bihira rin sa mga kabataan ang kumakain ng broccoli.
Ngunit alam ba ninyo na ang broccoli ay isa sa pinaka masustansyang gulay. Mas mayaman pa ito sa vitamin C kumpara sa orange at lemon.
Maraming makukuhang mga mineral sa broccoli. Ang mga sanga ng broccoli ay mayroong tatlong doble ang nilalamang fiber kumpara sa isang piraso na wheat bread at ang isang calcium na makukuha sa isang broccoli ay katumbas ng isang baso o tasa ng gatas.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga gamit at tulong ng broccoli sa katawan ng tao.
Panlaban sa kanser. Ayon sa World Cancer Research Fund, mainam na pangontra sa kanser sa bibig, tiyan, lapay o pancreas, bituka at maging sa kanser sa suso ang madalas na pagkain ng broccoli.
Panlaban sa sakit sa bato. Ugaliin ang pagkain nito dahil sa calcium na taglay nito. Nakakatulong din ito sa pag-iwas at panlaban sa mga sakit sa buto tulad ng osteoporosis.
Pampapayat. Kung gusto niyong pumayat, mainam ang pagkain ng broccoli dahil mababa ang calories nito. Ang isang serving ng broccoli ay mayroon lamang itong 46 calories.
Pampababa ng kolesterol. Ang broccoli ay makakatulong sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan dahil sa mataas na fiber content nito.