Ni Kriztell Austria
IPINRESENTA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 60 na opisyal ng PhilHealth at Bureau of Customs (BOC) na suspendido dahil sa involvement sa korapsyon.
Bukod dito, 40 na immigration personnel naman ang pinangalanan ng pangulo na sangkot sa alegasyon sa korapsyon.
Dagdag pa ng pangulo, 20 sa BOC ang dismissed, 4 ang suspendido, 135 ang iniimbestigahan habang 45 ang nahaharap sa administrative cases.
Samantala, sinabing muli ng pangulo na ilalaan nito ang natitirang dalawang taon sa paglaban sa korapsyon sa bansa.