Ni Arjay Adan
MATAPOS ang pag-trend ng hashtag nasaan ang pangulo ay kumakalat naman ngayon sa social media ang panibagong hashtag na nasa puso ko ang pangulo.
Number 1 trending kagabi ang naturang hashtag na pinakalat ng mga tagasuporta ng pangulo kasunod ng pagpapaliwanag nito hinggil sa kaniyang ginawang mga aksyon at pagtugon sa sunod-sunod na unos na kinakaharap ng bansa.
Nagpasalamat naman si Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar sa publiko sa patuloy na pagsuporta sa administrasyon sa kabila aniya ng paninira ng mga kritiko at oposisyon.
Kasabay nito, umapela si Andanar sa publiko na maging maingat laban sa maling impormasyon patungkol sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno.
Tiniyak din ng kalihim na tuloy-tuloy ang ginagawang aksyon ng pamahalaan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Gayundin sa lahat ng pangangailangan ng bansa.