Ni Crysalie Ann Montalbo
WALANG problema pagdating sa buhok sa kilikili ng mga kababaihan sapagkat ito ay natural at normal lamang. Subalit marami pa rin ang sumusubok na iwasan ito sapagkat para sa kanila, hindi sila komportable.
May ilang mga tips na pwedeng maging gabay upang maiwasan ang mas pagdami nito.
Una, i-exfoliate ang iyong kilikili. Maaari kang gumamit ng scrub, loofah o washcloth upang maiwasan ang pagtubo ng mga ingrown hair o di kanais-nais na buhok sa kilikili.
Pagkatapos ay pwede mo nang simulan ang pag-shave. Gumamit ng shaving foam na akma sa iyong balat. Humanap ng razor na siguradong magiging epektibo sa pag-alis ng mga buhok.
Upang mabawasan ang iritasyon, may mga produktong inilalagay tulad ng shower oil na nakatutulong dito.
Ugaliin ang pagpapalit ng razor blade na ginagamit dahil darating ang araw na ito ay magiging mapurol at baka magsanhi pa ito ng pagkasugat ng iyong kilikili.
Iwasan ang pag-ahit araw-araw dahil baka ito ay magdulot ng mas maraming pagtubo ng buhok sa kilikili, pagkaitim at paglala ng amoy kahit na ginagamitan ng deodorant o tawas.
Pakatandaan na dalawa hanggang tatlong beses lamang ito gawin kada linggo.