Ni Kriztell Austria
NADAGDAGAN pa ang pasanin ng mga magsasaka bukod sa kasalukuyang hirap na dinadanas nito matapos mapinsala ang mga panamin.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang mga palay ay hindi na mapakikinabangan matapos itong mabasa at matabunan ng putik.
Gayunpaman, bibilhin pa rin ng National Food Authority (NFA) ang mga palay upang gawing feeds at ipakain sa mga hayop.
Sa kabilang banda, nasa kabuuang P 2.9 bilyon naman ang naitalang pinsalang pang-agrikultura sa Bicol at Southern Tagalog.