Ni Karen David
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang P4.5 trillion national budget para sa taong 2021.
Sa botong 22 yes, 0 negative vote, at 0 abstention, pasado na ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB).
Dahil dito, magsisimula na sa susunod na linggo ang bicameral conference.