Ni Karen David
PUMALO na sa 124.3 milyong piso ang kabuang pinsala at nawala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Ulysses.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 5,058 na magsasaka at 19,453 ektarya ng agricultural areas ang apektado ng bagyo.
Nasa 8,475 metric tons naman ang volume ng production loss.
Sinabi ng agriculture department na kabilang sa mga apektadong commodities ay palay, mais, high value crops at livestocks sa Cordillera Autonomous Region, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.
Patuloy naman ang assessment at validation ng mga apektadong DA Regional Field Office sa pinsala at losses sa agriculture at fisheries sector.