Ni Vhal Divinagracia
MAYROONG premyo ang sinomang makapagbibigay impormasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa mga corrupt officials ng pamahalaan.
Ayon sa pangulo, handa syang magbigay ng mula 50, 000 pesos hanggang 100, 000 pesos.
Kahit hindi na aniya magbigay ng pangalan at ang departamento lang ang sabihin sa pangulo dahil sila na umano ang magbabantay dito.
Tiniyak naman ng pangulo na mananatiling anonymous ang pangalan ng informant para sa kanilang seguridad.