Ni Vhal Divinagracia
PLANONG manghiram ng 300 million US dollars ang pamahalaan sa America para pambili ng COVID-19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa public address nito kagabi.
Muli namang tiniyak ng Pangulo na uunahin ng pagbabakuna ang mga mahihirap.
Nilinaw lang ni Duterte na posibleng hindi agad makakuha ng COVID-19 vaccines ang bansa dahil natural lang naman umano na uunahin muna ng manufacturer ang kanilang taongbayan para sa bakuna.
Muli namang ipinaalala ng Pangulo na hindi nya pababayaan ang bansa kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccine at sa lalong madaling panahon ay pagsisikapan nyang makakuha agad nito.