Ni Karen David
NIYANIG ng magnitude 6.4 na lindol ang San Agustin, Surigao del Sur.
Naitala ang pagyanig sa 11 kilometro hilagang kanluran ng San Agustin kaninang alas 6:37 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 58 kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Bislig City.
Habang Instrumental Intensity 4 sa Bislig City; Intensity 3 sa Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity 2 sa Cagayan de Oro City at Surigao City, Surigao del Norte at Intensity 1 sa Alabel, Sarangani; Koronadal, Tupi, South Cotabato; Kidapawan City; Palo, Leyte at Borongan City.
Inaasahan naman ang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.