Ni Arjay Adan
SA unang pagkakataon sa PBA Philippine Cup ay nakakuha na rin ng panalo ang Terrafirma upang patigilin ang pitong sunod-sunod na talo nito.
Ito ay matapos nitong talunin ang Blackwater na nagtapos sa iskor na 110-101.
Hindi lamang napabuti ng Dyip ang kanilang 1-7 record kundi nabuhay din ang pag-asa nitong makakuha ng pwesto sa playoff.
Ayon kay Dyip head coach na si Johnedel Cardel, ayaw nilang umuwi nang may 0-11 record at kailangan nilang manalo upang maibsan ang kanilang pagka-homesick.
Pinangunahan ni CJ Perez ang Dyip na may 27 points at sinundan naman ito ni Roosevelt Adams na nakapagtala ng double-double performance na may 20 points at 16 rebounds.