Ni Karen David
WALA munang magiging University of the Philippines College Admission Test o UPCAT para sa Academic Year 2021-2022.
Ito ang inanunsyo ng UP office of admissions dahil sa banta ng COVID-19.
Sa halip, kasalukuyan nang binabago ng UP Office of Admissions ang admission systems para ma-accommodate ang mga incoming freshmen.