Ni Karen David
SA public advisory, sinabi ng COMELEC na suspendido ang voter registration sa Nobyembre 30, araw ng Lunes dahil regular holiday habang special non-working holiday naman sa Disyembre 8, araw ng Martes.
Dahil dito, wala ring magiging transaksyon ang main at field offices ng COMELEC sa nasabing mga petsa kabilang ang issuance ng voter’s certification.
Pinaalalahanan naman ng COMELEC ang publiko na isinasagawa ang voter registration mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.