Ni Karen David
NASA 1,546 mula sa 1,715 na Local Government Units sa buong bansa ang nagdeklara sa Communist Party of the Philippines bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang 1,546 LGUs ay binubuo ng 64 na lalawigan, 110 na mga lungsod at 1,372 na mga munisipalidad.
Bilang karagdagan, may 12,474 mula sa 42,046 na mga barangay sa buong bansa rin ang nagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata.
Binati rin ng DILG Chief ang mga LGUs sa kanilang pagtulong sa pamahalaan para masugpo ang mga komunistang grupo.
Sinabi ni Año na positibo ang DILG na ang bilang ng mga LGU na magdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata ay magpapatuloy sa pagtaas sa susunod na taon.