Ni Vic Tahud
NAKAPAGTALA ang Department of Foreign Affairs ng walong panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Overseas Filipino Worker kung kaya’t umabot na sa 12, 308 ang kabuoang kaso ng COVID-19.
Sa kabila nito, nasa 7,997 na ang bilang ng mga gumaling habang nasa 860 naman ang nasawi.
Sa ngayon, nasa 3,451 pa ang bilang ng mga nagpapagaling na OFWs sa ibang bansa.