Ni Vhal Divinagracia
SINABI ni Catanduanes Governor Joseph Cua sa panayam ng Sonshine Radio, aabutin pa ng dalawang taon bago maka-recover ang Abaca plantation ng buong probinsya ng Catanduanes.
Ayon kay Cua, isang challenge umano ang recovery sa kanilang hanay lalo pa’t paubos na ang calamity fund ng probinsya.
Kuya kaya, nagbigay ang Department of Agriculture (DA) ng ayuda na 120 million pesos para sa lahat ng mga Abaca farmer upang makapagsimula ulit ang mga ito.
Mula naman sa Malakanyang ay 10 million pesos ang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ni Sen. Christopher “Bong” Go.
Tinatayang aabot sa 170, 000 katao ang naapektuhan ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo simula kay bagyong Rolly papuntang bagyong Ulysses sa probinsya ng Catanduanes.