Ni Arjay Adan
BUMABA na sa 88 ang bilang ng active cases ng coronavirus disease sa loob ng mga kulungan matapos na maimpeksyon ang halos 2,000 bilanggo ayon sa Bureau of Management and Penology o BJMP.
Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, nagkaroon ng nasa 1,987 kaso sa mga persons deprived of liberty o PDL, at sa ngayon ay nasa 88 na lamang ang mayroong active cases.
Karamihan naman sa 25 PDLs na nasawi sa COVID-19 ay mayroon ng pre-existing medical condition gaya ng diabetes at hypertension.
Samantala, nasa 1,017 BJMP personnel naman ang nakakuha ng SARS-COV-2, ang bagong coronavirus na nagsanhi ng COVID-19 ngunit bumaba na sa 32 ang active cases sa mga ito ayon kay Solda.
Apat na tauhan naman ng BJMP ang namatay dito dahil na rin sa komplikasyon mula sa kanilang pre-existing health conditions.
Matatandaan na napag-desisyunan na ng pamahalaan na bawasan ang laman ng mga selda dahil sa COVID-19 pandemic at paluwagin ang patakaran upang makakuha ng parole at executive clemency.