Ni Karen David
NASA 55 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito ay mula sa 10,222 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa lungsod.
Ayon sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), 48 pang mga residente ang nadagdag sa bilang hanggang kahapon, Disyembre 16.
40 naman na mga residente ang nakarekober sa sakit kung kaya’t umabot na sa 10,050 ang bilang ng gumaling.
Habang nadagdagan naman ng tatlo ang mga nasawi dahilan para umakyat na sa 121 ang death toll sa Taguig.