Ni Karen David
PUMALO na sa mahigit 4,500 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay AFP Chief General Gilbert Gapay, sa nasabing bilang ay 227 ang active cases.
Nasa 4,300 naman aniya ang mga gumaling na sa sakit habang 33 ang naitalang nasawi sa hanay ng militar.
Sinabi ni Gapay na mahigit 150,000 na mga sundalo ang idineploy para sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinaalalahanan naman ni Gapay ang kanyang mga personnel na maayos na ipatupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay at social distancing upang maiwasan ang magpakalat ng COVID-19 infections sa mga sundalo.